Done with the Contract Signing. Now preparing for the subjects!

APRIL 13, 2009, MONDAY – I already signed my contract contaning all the rules and agreements between me and the employer (natural)… Mabait naman ang employer ko ngayon. Ewan ko lang pagtumagal na… pero kampante ako sa kanila, kasi pag hindi ako kampante sa itsura at pananalita pa lang may bigat na sa loob ko. Ayon, naka-ayos sa sallary. Syempre fresh grad huwag kang umasa na mataas sahod mo, aba demanding ka nun… For example fresh grad ka tapos ang gusto mong sahod ay nasa 30 a month aba ineng at tutoy maghanap ka ng trabahong ganun dito sa pinas… O di kaya lumayas ka sa harap ng employer mo…

Kapag Fresh grad ka huwag ka ng mamili ng work, kung anung meron sunggab na agad… Opportunity yun brad!Kaya ako bago ko makuha ang trabahong ito halos sunog ang balat ko sa kakapunta sa mga corporate at ibang business establishments ayun walang nangyari.. pero nakakapagtataka…hindi ako natatanggap sa corporate pero sa Acad na tanggap ako..astig noh!… Hindi mo aakalain ang Fresh Grad na katulad ko ay magiging automatic na College Instructor at hindi naman sa pagmamayabang, halos ang mga kasabayan kong nag-apply ay may mga Masteral Units o Degree ako lang ang wala. Sabi ko nga sa sarili ko wala sa masteral yan, nasa pagtuturo yan…

Done with the Contract Signing, Now preparing for the subjects.

Hmpf! May problema nga ako e…ay! hindi pala problema challenge pala… I have two subjects na ituturo one is the Microsoft Visual Basic and the other one is the Microsoft Visual FoxPro.. Gamay ko ang Visual Basic but the other subject hindi. I used Visual Basic to construct my Thesis (and I’m proud ako lang gumawa ng thesis ko lalo na ang software… P.S. hindi ako nagpagawa sa iba o sa programmer..)… Problema ko ngayon si Visual FoxPro… Now I’m researching about that Language at balak kong bumili ng second hand na libro non sa isang kilalang book store. Then try to borrow books sa library. Hangga’t maaga nga e napag-aaralan ko na ito dahil hindi ko talaga gamay. well thats the major challenge for me as of now as a College Instructor…Atsaka I have to learn how to use FoxPro dahil yung mga ibang kumpanya ay they are using FoxPro… hmmm..Challenging na Challenging…

–> any one na may alam na tutorial site for MS FOXPro?? leave na lang a message…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.