Pag ka graduate ko ng high school, nag-iisip na ako noon kung ano yung kursong aking kukunin sa college. Kasi thru sa mga courses na ito, pipili tayo kung saang daan tayo tutungo… kumbaga short cut yun to your dreams. Before I entered college first choice ko is Fine Arts then Education na course. My inay wants me to take Nursing, pero hindi ko tayp dahil ayokong magkalikot sa katawan ng tao.
Then my itay wants me to be an Engineer dahil magaling daw akong gumuhit pero I hate math, I hate numbers, I hate figures. Since nasa malayong lugar pa ang may available na Fine Arts na course e pinursige ko ang aking Education Course. Ayun… hanggang sa naka isang taon at biglang nagwarning si Scholarship, I passed one of the famous Government Scholarship sa bansa. They warned me na kung hindi ko igra-grant yun e maglalaho yun. I grant the scholarship kasi sayang naman – naipaskil na nga pangalan ko sa diyaryo hindi ko pa i-gra-grant ang opportunity, sayang naman. Then na-grant ko sya kaso kailangan kong lumipat ng ibang univ at mag shift ng course. Masaya naman ang aking paglipat… Feel ko naman yung course.
Almost 4 years akong nag-aral ng kursong iyon and now, I’m just waiting for my Graduation this coming last week ng buwan na ito. And also I’m excited with my college ring. While still waiting for my graduation syempre nag-aaplay ka ng mga magiging trabaho mo. I tried at nag-apply sa iba’t ibang kumpanya, nakarating sa Makati, sa Citi Bank Towers sa Yuchengco Tower, sa Gil Puyat, sa Glorietta, at kung saan saan pa. Alam ng katawan at puso mo kung saan ka talaga mapupuntang trabaho. Huwag mong pilitin ang sarili mo sa isang trabaho na alam mo na hindi mo kaya at ayaw mong gawin.
“Kaya pala ayaw ng corporate sa akin dahil gusto nila ako sa Academe”…
Hindi talaga natin masasabi kung saan tayo mapapapunta.
Now, I’m a college professor sa isang well known college dito sa laguna. I’m so proud to be part of the school. Hopefully, makapag start na ng work by June 2009. New challenges awaits me, mga pasaway na estudyante, pasaway na katrabaho, mga unexpected things at Handa na ako sa mga iyon.
I will no longer called “Kuya” but rather “Sir”… Isang tanda ng paggalang ng mga magiging estudyante ko. Masaya naman si Rachel noong binalita ko sa kanya na may work na ako, libre ko daw sya pagkasweldo ko (sa pangalawa at pangatlong sweldo na)–unang sweldo should be to the parents.
My plans sa unang araw ng pagtuturo (mga techniques!)?? Well it goes something like this…
1. Greet your students! (first impressions last)… Greet them ‘Good Morning’ or ‘Good Afternoon’ or ‘Good Evening’ kung may panggabing klase.
2. Introduce my self… A. My name – B. Kung ano yung course na kinuha ko noong college ako – C. The name of my former University – D. My Achievements/ Scholarships – D. My Age – E. My expectations.
3. Papakuha ko sila ng Yellow Pad (1/4) then they will write their Name, Course, Section, Subject, Cellphone Number (hindi para maging text mates), E-mail address (hindi para i-add sa FS), and their Expectations sa aking subject at sa akin syempre. Idagdag mo na yung expected grade or target grade nila for the subject.
4. Io-orient ko sila regarding with my house rules heto yun…
HOUSE RULES/ CLASSROOM RULES – (Baka sabihin nyo mahigpit ako)
1. No one is allowed to go outside kapag nagklaklase ako… (in case magpapaalam ng ayos sa akin)..Ok lang lumabas basta magpapaalam lang kung saan pupunta.
2. Bawal ang maingay syempre hindi maiiwasan to pero yung kaingayan dapat nasa lugar pero pagnagsasalita ako tatawagin ko yung pangalan ng nagiingay..(pangalan lang) – hindi galit na approach kundi pa joke effect.
3. I require notebooks dahil dyan ko mamomonitor sa kanila kung talagang nag-aaral sila. Kahit simpleng mumurahing notebook lang. Kasi the reason why I required notebook dahil pagkagraduate nila ng college hahanapin nila yung notes na iyan.
4. Ok lang ang late commers pero I consider na hindi ka dapat ma late dahil hindi nila maabutan yung ibang lectures . Nagpapapasok pa rin ako ng late, pero disadvantage nya dahil hindi nya naabutan yung lecture. Plus points sa akin ang mga hindi late. (mga plus 2 or 3 sa class standing…) Ayokong kunsintihin ang mga late. Gusto ko silang disiplinahin sa magandang paraan.
5. Mataas akong magbigay ng grades, kung talagang magaling ka why not 100%…hindi ko ipagkakaila ang 100%pinakamababa gusto ko ay 80% ..pero kung walang wala at hindi sya nageffort talaga e… ok na 74%… (naka-hang)..kung wala talaga as in..sige bahala na si batman…ayokong mangduktor ng grade…sila gumagwa ng grade nila ako taga record. Kaya hindi Study Hard kundi STUDY HARDER!!!
6. Laging makikinig yun lang gusto ko… at mag review ng magreview…
7. Madali akong magbigay ng exam..nasa notes mo na tutuklawin ka na lang.
8. I give bonus questions dahil baka yun pa magpataas ng grades nila.
9. I love class reporting dahil maprapractice natin ang confidence na lumabas.
10. Hindi ako bookish…I rather research to other books hindi ako nagste-stay sa isa lang.
11.I love reporting na merong projector at todo costume like long sleeves at slacks…well.. I love that… pero kung wala talaga ok lang un kahit semi formal..titingnan ko lang doon the way you report.
12. questions, comments ay pwedeng pumasok during discussions or after. Yung ibang prof gusto after..e masmaganda kung during dahil mas lalong hasa isip ng students.
13. Ayoko ng nakasimangot..gusto ko smile always…happy mode…hindi ako mataray na titser…gusto ko comedic lectures ko…hehehe
14. No cellphones allowed basta nakatago at nakasilent. Kung emergency then go outside…jejej
15. Grades, tungkol dun consult me then I will give you advice kung paano pa pataasin.
16. Kung kailangan ng tutorial willing ako..kung hindi naintindihan lecture ko…basta after class at free time ko.
17. Lagi kong uulitin lectures ko kasi paglaging redundant yung lectures (i mean) lagi mong sinasabi nasasaulo ng bata gusto ko yun..
18. Ayokong mambagsak dahil nakakaawa ang magulang pag ang anak ay bagsak… gusto ko pasado lahat as much as possible…pero kung tlagang lustayan ng pera ginagawa ng bata well…report to me , may tendency na bumagsak o ibagsak.
19. hindi ako namamahiya…talk to me after class…kasi masakit sa damdamin pag napapahiya ka sa loob ng klase…naranasan ko kaya yun..ayokong pagalitan ang estudyante o sigaw sigawan basta pagsabihan ng ayos…tanungin kung anung problema…
20. Clearance – I require only notebooks ..yun lang…notes…kahit magcheck pa ako ng notebook magdamag kaya ko… ayokonng pinapahirapan estudyante sa clearance..danas ko yan..mahirap ang habulan..
21. Assignments should be in notebook at computerized..matuto tayong sumunod sa technology…yung iba nga may format pa pero ako wala basta pagandahin mo…pero magbibigay rin ako ng format minsan not all the time.
22. Always use 1 whole in quizes, long quizes at kung may major exams…pag sobra punitin baka magamit pa sa susunod..
23. tumitingin ako sa galing ng estudyante sa pangkalahatang grades hindi during recitations lang…
24. laging may top 10 pag exams or quizes…hindi ko babanggitin ang mga bagsak…ayoko non..yung mga top notchers lang…personal kong ibibigay yung papel pag bagsak… then ask wat happenings?jejeje
25. haayyyssstt…daming rules…bahala na si batman…jolly akong teacher, pwede akong lapitan all the time…
26. mabait ako sa mabait pero pag inabuso kabaitan ko bakulaw na ako nun..jeje
Then after the house rules…
5. Magpapakilala sila isa’t isa…uuliratin ko buhay nila..hindi naman lahat yung mga common lang…
6. Discuss the course syllabus…
7. Assignments/ Research..
at higit sa lahat..
8. Respect sa sarili, Respect sa mga katrabaho, Respect sa Estudyante…
..Sa wakas College Professor na ako! Haayyysstt!!
…Students here I come!
READY…FIGHT…GO!!!!
Posted by Reesie on April 7, 2009 at 2:15 PM
wow! Congrats el bloggero!!! I was a university instructor before I went abroad. It was such a nice experience. Hinahanap-hanap ko pa rin ang patuturo. You will enjoy it for sure! Good Luck!
Posted by El Bloggero (Bente Uno) on April 8, 2009 at 2:29 AM
..hehehe..thenk tsu…
..I’m so excited and I just can’t hide it..(Kanta un ah)
.. Oo excited ako pero mas excited ako sa mga makukulit na estudyante..Gusto ko ng mga kenkoy at makukulit…
Posted by Reesie on April 9, 2009 at 10:56 PM
hindi obvious na excited ka, may napakahabang house rules ka na nga eh.. hahaha..
Posted by El Bloggero21 on April 10, 2009 at 12:13 PM
oo just preparing my self para sa mga students…
Posted by Reesie on April 13, 2009 at 9:35 PM
that’s really good. good luck~~ and enjoy~~~