I can’t wait para sa aming graduation pictorial. April 13, 2009 is the said date for our pictorial… Naalala ko yung grad pictorial days ko nung high school ako. 3 days before the graduation pictorial nagkaroon ako ng tigidig sa ilong. At talagang sa ilog pa, kung saan nangunguna sa katawan pag naglalakad ka. Worst is 2 days before the pictorial lalong lumala. Parang bagong tule na hindi mo malaman na nangamatis. Kabatrip yung araw na iyon.
Ginawa ko ang lahat ng paraan para mawala yung badtrip na tigidig na iyon.
Ginawa kong hilamusan ng ibat ibang sabon… pinahiran ko ng anti-acne creams at kung ano anu pa. Halos ikaskas ko na lang yung ilong ko sa aspalto para mawala ang tigidig, pero lalong papangit pagginasgas don…heheh
1 day before the graduation pictorial, humupa ang pagalburuto ng aking tig-hi-ya-wat. Parang bulkang mayon na huminahon. Pinagtatawanan na ako ng mga classmeyt ko nun. Sabi nila “Hala lagot ka may tighiyawat ka!..panu na picture mo..ang pangit non!” sabi ko ok lang..babawi ako sa college graduation kasi yun dapat ang maganda dahil kinakabit sa resume.
Eee… alam mo naman nung high school days ko wala budget ang school para sa mga high class pictorials na merong pangediting softwares. Ee.. ang kinuha nila ay ordinary photographer lang na pipilitin kang ngumiti hanggang sa makita ang gilagid at tartar mo sa ngipin. haha
Heto na nga ang araw ng pictorial, minomonitor ko ng tig-hi-ya-wat ko… wala na yung bukol pero nangitim kung tighiyawat, badtrip… kaya ang kinawa ko nanghiram ako ng salamin at polbo sa mga classmeyt kong babae…pinolbohan ko at ayun…pumuti ang gilid ng tighiyawat parang gumuhit lang yung polbo sa aking ilong ng maliit na bilog… Panget…kaya ang ginawa ko hanap ako ng make-up at ayun,,,wala pa rin epek…itim talaga…kaya ang ginawa ko…hinayaan ko na lang..BAHALA NA SI SUPERMAN…dadaanin ko na lang sa ngiti…
Pagkadevelop ng picture (wala na tighiyawat ko non..makinis na – back to normal) ayun mas napansin ang ngiti ko kesa sa picture… Sabi ko during pictorial gagayahin ko ngiti ni Rainier Castillo… (ah sed huhu ..haha…)…ayun tagumpay ang plano…pero medyo kita ang tigidig pero ok lang yun…It’s the smile that counts…
Ayun nakadisplay dito sa bahay yung hs grad pic ko…at mapapalitan na yan dahil College Grad Pic na…whooaaa….
Mukha akong tanga minsan sa salamin dahil ineensayo ko na kung paano ngumiti… Todo pakinis ako ng mukha ngayon para hindi mahirapan yung mageedit o baka hindi na nya iedit sa sobrang kinis ng mukha ko. …
Haha..kamusta na kaya college ring? Meron na kaya ako…Tapos na kayang gawin??
Posted by Reesie on April 2, 2009 at 3:50 AM
pssstt…salamat sa pagbista sa blog ko ha.. na add na kita..
congratulations pala at gragraduate ka na! i wish you the best lalo na sa pag hahanap ng work. good luck in facing the real world.
Posted by bloggero21 on April 2, 2009 at 8:36 PM
yeah..good luck talaga…thanx for the gud luck…
I’m welcoming my self to the jungle..
hehe