Death March: Isang sakripisyo para sa kanya!

March 10, 2009 – Tuesday. Ginising ako ng aking inay para bumangon na dahil I was scheduled for an examination sa isang call center company. Hindi alarm clock ng cellphone ko ang gumising sa akin kundi nanay ko pa. Hindi na tumatalab sa akin ang alarm ng cellphone, mas epektibo pa rin mang-gising ang aking inay. Halos nagdownload na ako ng malalakas at nakakabinging ring tone pero wa-epek pa rin.

Sa aking pagbangon tiningnan ko si cellphone at unang bumungad sa aking mga mata ang aking personalized wallpaper — Ang picture ni Rachel.

Tiningnan ko ang aking cellphone baka nagtext sya sa akin o baka kailangan ng tulong. Hindi ko pinapatay ang cellphone ko kapag matutul;og na ako. Ang reason ko baka tumawag o magtext si Rachel sa kalagitnaan ng gabi ay mahihingian niya ako ng tulong at ako naman ay agad na reresponde (Red Alert lagi cellphone ko para sa kanya).

Ako’y bumangon na sa kama, inayos si kumot, si unan at naghanda na sa pag-alis. Kinuha ko ang bag ko na binili ko sa SM sa may Heart Stings. Isang cute na cute na bag at napaka ganda ng design nya. Galing yung pinangbili ko dun nung nagresource speaker ako sa aking former high school.

Kinuha ang ibang mga kailangan tulad ng resume’, pabango,Gel, alcohol, at kung anu-ano pa… Kinuha ko si towel at dumeretso na sa CR at naligo. Matagal akong maligo, isang oras at kalahati pag walang lakad o espesyal na okasyon pero pag panggala, may pasok o talagang nagmamadali mga 10 to 15 minutes tapos na ako.

Pagkatapos kong maligo, tingin agad kay cellphone baka nagtext si Rachel. Sa tuwing titinganan ko ang aking cellphone si Rachel lagi ang aking inaalala.Pagkatapos dumiretso na ako sa kwarto para magbihis, syempre kailangan semi-formal kasi exam lang naman yun hindi pa naman interview… tapos magsuot ng damit hinanap ko si leather shoes, ang leather shoes na hindi masira sira sa sobrang tibay. Ginamit ko pa sya noong nagtrabaho ako sa isang Chnese/Hong Kong restaurant in short (Chowking). Nagtrabaho ako doon bilang service crew for almost 2 months kasi summer job lang yun.

Then sinuot si leather at inayos na ang buhok at nagpabango at diretso sa kusina para kumain. Ang ulam?? piniritong pusit,tortang talong na may itlog at danggit… (tama ba spelling ng “Danggit”??) . Nagmamadali na akong kumain dahil mag-aalas-otso na. Pagkakain nilinis ang ngipin at naghugas ng kamay dali-dali ng umalis. Pagkasakay ko ng dyip papunta sa kumpanya iniisip ko pa rin si Rachel.

While travelling

While travelling

Nagutom ulit ako nung nakita ko ang picture na ito. Fried Chicken at Proven..(Sarap)… Yung nakikita mong strap, yan yung strap ng bag ko na nabili ko sa SM nadali ng Camera ng cellphone.

Nag-enjoy naman ako sa mga tanawin habang naglalakbay. Medyo malayo sa aking balwarte ang pinuntahan ko.

Habang naglalakbay na iniisip ko pa rin sya kung ano na ang kanyang ginagawa. Syempre, Nursing student iniisip mo baka may klase o may duty sa isang ospital. Tinanong ko na rin sa sarili ko kung “bakit hindi ko kaya i-text?” ..Ang sagot ko dyan, hindi magrereply yun. Ilang beses ko na syang tinetext kung kamusta na sya pero ni isang katiting na letrang “K” sa text ay wala.

Nakarating na ako sa kumpanyang pag-e-examan ko. Magarbo ang lugar. Inglesera ang receptionist.. (Syempre kailangan!)…Almost total security ang lugar. Kinuha si ID at pumunta na ako doon sa kumpanyang pa-eexaman ko. Well, bumungd pa sa akin ang isang receptionist, (Hindi Inglesera!)…at maya maya bumungad sa akin ang mukang siopao na intsik at nagsasalita na ng Ingles sa akin. Sa dala ng kayabangan ng Intsik na lalaking iyon na tawagin natin sa pangalang “Boy Asado”, na-angasan ako sa kanya the way he looks to me, the way he talks, the way his gestures to me. sabi ko sa isip ko: “Ah! Pucha pare na-aangasan ako sayo. Tingnan natin magsalita ka ng Ingles makikipagsabayan ako sa iyo!” … Ang sabi ni Boy Asado sa akin.. “Excuse me, whats your name again? Are you scheduled for an examination today?” (with matching American accent na hindi mo maintindihan kung may halong Australlian Accent, medyo sablay pa accent nya di katulad na mga napapanood ko sa CNN. ) ang nasabi ko ay: “Yes, I have a scheduled exam today here in yaw company. I was called by your HR supervisor and she scheduled me for a pre-employment examination!.”  …sabi ni boy asado : “Okay wait for a while!” –> Supalpal si Boy Asado. Kala nya kasi hindi ko kayang makipagsabayan sa Ingles nya.Nilagyan ko nga ng British Accent Ingles ko. Nung college ako tinuruan din kami sa speech ng iba’t ibang accent at sabi ng titser ko praktisin ko daw ang british accent ko dahil excellent daw the way I speak…Pwede rin mauwi sa Australlian accent ang aking Ingles kung pagbubutihin ko raw…(Wow! Yabang ko nun!  Pinuri ako ng titser ko!)

Yabang umasta. Balak ko ngang lagyan ng pulang tuldok sa noo si Boy Asado dahil wala syang trade mark kung Asado ba sya o bola-bola. Baka malito ang mamimili nya. HAHAHA!

Pagkatapos kong painitin sa steamer si Boy Asado ay nagexam na ako. After kong magexam, sinabi niya sa akin na “Okay Sir, Just wait for our further announcement or call regarding with your application!” …”Okay Thank you” –> Sabi ko kay Boy Asado na may followup sa isipan na “Magahanda ka na ng Asado Sauce mo, may bibili na sa iyo”.Sabay labas sa kumpanyang iyon. ahahha.. Naooffend ako nun kay Boy Asado pero sabi ko bahal ka sa buhay mo kung mayabang kang mag-Ingles. Kasi yung ibang tao pag alam nila sa ibang tao na marunong silang mag-ingles ay gagamitin at gagamitin nila yun para magmayabang lang.

Hindi ako na Nose Bleed kay Boy Asado. Kaya ko ring makipagsabayan, purket pilipino ako hindi ko kaya…Nek Nek nya. Proud to be Pinoy ata ako!…

Pagkatapos sa examination, punta ako sa iba’t ibang lugar baka may job opportunity. Naglakad lang ako nung time na iyon.

Ang daan ng Death March

Ang daan ng Death March

Grabe nilakad ko nun. Sobrang layo! Hindi ako sumakay na kahit anong pampasaherong sasakyan dahil gustong isa-isahin yung mga kumpanyang andun. At the same time excercise na rin.

I’m a former Boy Scout at Eagle Scout ako ang pinakamataas na Rank na makukuha ng isang Boy Scout sa buong mundo. Kahit ang ibang Presidente ng Amerika ay Eagle Scouts din. Halos umaakyat kami ng ilang bundok at tumatawid ng ilog gamit ang mga paa. Hayop naman ang survival, malupet ang survival namin nun, pinagabang kami sa palayan na punong puno ng putik at may Kalabaw na umihe at tumatae. Well, konting tiis lang nun dahil kundi dahil dun hindi ako ganito kadiskarte sa buhay.

At ang gamit kong sapatos….

Ang hindi masira-sirang leather shoes ko!

Ang hindi masira-sirang leather shoes ko!

AYOS! patay si paa pag-uwi ko sa bahay. Ang pangit namang tingnan kung magaaplay ka e naka rubber shoes ka. Kaya semi-formal ang dating ko nung araw na iyon.

Habang naglalakad at nananakit na ang mga paa sabi ko na lang sa sarili ko na para kay Rachel ito at sa aking family. Hirap ah! Pero enjoy sa aking ginagawa. Marami kang matutunan.

Actually kailangan ko pa rin mag-apply ng trabaho kahit na may kumukuha sa aking Unibersidad para magturo sa kanila. Kailangan kong magtrabaho sa iba para mai-share ko sa aking mga estudyante yung pakiramdam na may trabaho sa ibang kumpanya.

Matapos maglakad na kalayo-layo at i-i-ka-ika na sa paglalakad. Sumakay na ako ng jeep papunta sa aking eskwelahan at doon magpahinga. Nang andun na sa aking eskwelahan, marami nanamang nang-iintriga sa akin. Marami kasing naiinggit sa akin sa school, ee kasi daw graduate na ako at sila’y nag the-thesis pa. Noong thesis days ko ako lang magisang gumawa sa thesis ko. Hindi ako nakigroup sa ibang classmates ko kasi ang dahilan ko..”Aasa lang sila sa akin”.

Alam kasi nila na mula sa unang thesis ko hanggang sa ika-apat ako lang mag-isa ang gumawa. Apat kasi ang thesis namin bago ka grumadweyt ng kolehiyo, Apat na karayom ang daraanan mo.

As usual hindi ko na lang pinapansin ang mga nang-iintriga, wala akong mapapala sa kanila. Just shut my mouth at patay malisya na lang.

Habang nagpapahinga, nagtext si Rachel. “Wow! Nagtext din sa wakas at sinabing”…—> Pahiram naman ng Bag mo. Kung ok lang sayo? Kung hindi ok lang.

Dali-dali akong nagreply. at tinext kong “Syempre pwede!Sige punta na ako dyan sa inyo” . Ilang oras lang ako nagpahinga at sumakay na ako jeep papunta sa kanila. Nang nakababa na. Lalakarin ko ulit ang ilang milya o kilometro na ata yun para makapunta sa bahay nila. Medyo malayo ang tahanan nila, pero ilang beses na akong pumunpunta sa kanila at sanay na ako. Sa sakit na iniinda ng aking paa at binti ay balewala na para lang sa kanya. Kahit i-i-k-ika  sa paglalakad at apektado ang mga paa sa malubak at mabatong daan ginawa ko para maipahiram ang bag na aking dala para sa kanya.

Pagkarating ko sa kanila hindi muna ako nag-ta-o po! …Naririnig ko kasi na nagpipicturan silang magpapamilya, syempre kakahiya naman paginistorbo ko pa kaya naghintay ako ng ilang minuto para matapos ang picturan nila at  para kumatok ng ayos.

Nang matapos na ay kumatok na ako at tinawag na ang kanyang pangalan. Sumalubong sa akin ang nanay nya at pinapasok at pinaupo ako sa kanilang upuan sa may balkonahe nila. Sabay lumabas na si Rachel at napangiti at kinilig ng bahagya.

“Oh, eto na yung Bag ko..hiramin mo na”…sabi ko kay Rachel.

“Sigurado ka, papahiram mo sa akin yan?” Sabi nya sa akin.

“OO… Hindi na pinagiisipan yun, basta para sayo.” Sabi ko…

“Talaga?? (Sabay ngumiti sya sa akin at sinabing) Salamat sobra”

Nagtataka lang ako kung saan nya gagamitin ang bag ko, kaya tinanong ko sya kung saan nya gagamitin sabi niya may retreat daw sila sa March 12- Thursday, gusto daw nya kasi bag ko. Inaarbor nya bag ko, sabi ko bibili ako pagunang sahod ko na, ibibili kita ng ganyan. Nag-aalala sya sa akin at tinanong kung naglakad lang daw ako papunta sa kanila. Gabi na kasi non at napaka delikado sa kanila lalo na pagnaglalakad ka lang. Eh yung nilakaran ko ay madilim at walang street lights. Sabi niya sa akin nahihiya sya sa akin kasi gabi na naglakad pa ako papunta sa kanila, tapos pauwi pa ako.

Ayaw niya akong pauwiin hanggat hindi ako nakakakain ng dinner sa kanila. Nahihiya kasi akong kumain sa kanila even though simula grade 4 kami doon na ako kumakain tuwing tanghali.

Tapos napansin ko may katext sya. Lagi kasing tumutunog at nag-va-vibrate ang kanyang cellphone. Maya-mayapa’y nagpaalam sa akin at nagpaload. Balik hawak agad si cellphone at tinext ang kanyang ka-text.

Tinanong ko kung sino ba ang kanyang ka-text. Sabi niya “Si Baron!”

What?? sabi ko sa isipan ko.. Sino si Baron?? Sabi ko sa kanya ..”Ah OK!”

Then may bigla syang nasabi..”Anu ba yan Baron nagpaload ako dahil sayo hindi ka naman magtetext”…Pumintig tenga ko… Bulong ko sa isip ko..”Anu raw?? ” Nagload sya dahil kay Baron at hinihintay nya ang text ni Baron!

Nalungkot ako. :( Bulong ko ulit sa isipan ko…Ang swerte naman ng Baron na iyon! Tinetext sya ni Rachel samantalang ako hindi man lang kamustahin sa text. Nung pumasok sya sa bahay nila, napaiyak ako ng bahagya.At ayokong mahalata nyang umiyak ako pinunasan ko agad luha ko. At sige tuloy pa rin sa pakikipagkwentuhan sa kanya. Hanggang sa nakakain na kami nasa isipan ko pa rin yung nasabi nya at katext nya pa rin si Baron. Hanggang sa pauwi na hinatid niya ako palabas, nagpasalamt ako sa nanay at tatay nya para sa pagkain at sa kanya. Nagpasalamt din sya sa akin personal at sa text.

Sa aking pag-uwi lumalakad ako habang umiiyak. Hanggang sa malungkot akong nakauwi sa bahay.

Bahagyang naging masaya dahil dumating na yung inorder kong sapatos. HAHA!

Haayyyssssttt… What a sacrifice! Gagawin mo talaga ang lahat para sa iyong minamahal. :(

P.S.: Si Baron ay yung guy na nanliligaw kay Rachel ngayon. Pero hindi sya gusto ni Rachel dahil bente anyos si Baron at sya naman ay bente dos! …Pero hindi ako naniniwala kay Rachel na hindi sya magkakagusto sa lalaking iyon.

4 responses to this post.

  1. hoy! makinig ka! sagpangin mo na! tigilan mo na ang pagkakamartir! kung andyan ako, me plakard pa mismo ako ki rachel na yan na pers lab mo sya. eh baka yong bag eh ipapahiram ki baron? eh pano pag ma-inlab sya ki baron? eh ikaw kasi eh nakkuuuu! grrrr!!!!

    good luck pala sa trabaho. siempre kelangan mo anda para ma-idate si rachel. hahaha

    pero, utang na loob! ano ka ba! ako kamo ang nahihirapan seyo! hmpt!

    Reply

  2. Posted by bloggero21 on March 13, 2009 at 4:43 AM

    ahahahah…Peace!

    Reply

  3. Posted by bloggero21 on March 13, 2009 at 4:45 AM

    ..nag-aantay lang ako ng tamang tyempo… relax lang..hahhah Peace!

    Reply

  4. Posted by bloggero21 on March 13, 2009 at 5:15 AM

    wag kang mag-alala reyna, ginagawa ko ang makakaya ko. Sa graduation nya may pakulo ako para sa kanya…At sa mga darating pang-araw pinaghahandaan ko na ang mga gagawin ko para sa kanya..alam mo na sweet things…hehehe..salamat reyna!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.