Rebounded!

Last December 28, 2008 – Sunday, tinext ako ni Rachel para pumunta sa kanila. May reunion daw kaming mag-kaka-classmate nung high school sa December 30, 2008 at nung araw ding iyon pinapapunta niya ako sa kanila. Ika niya lahat daw pupunta para sa pagtitipong iyon. Sunday is my family day. Saturday is my Jesus day. Sabado kasi ako kalimitang nagsisimba para pagdating ng sunday family naman ang may time sa akin. Sa sobrang busy ko instead na linggo dapat ang pagsisimba naging saturday (anticipation mass kumbaga). Pero pag hindi ako abala sa mga gawain sa buhay ay nagsisimba naman ako tuwing linggo.

Si Rachel ang aking Best Friend na babae. Since we we’re in Grade 4 – elementary naging best friend ko na siya. Lahat ng maikwento niya, secrets, mga napupusuan nya, mga paborito at kung anu-ano pa ay alam ko. Gragraduate na sya this March sa Course na BS Nursing sa isang well known Nursing School dito sa aming syudad.

Naiintidihan ko siya dahil sobrang busy ka talaga pag nursing student, maraming duties at kung anu-anong reports. Kaya minsan nagseselos ako sa mga ginagawa niya but ok lang sa akin yun marami pa namang time for the two of us.

Came was, tinext niya ako para bisitahin at magkaroon ng time para sa kanya. Pero umandar itong katamaran ko dahil ilang araw na rin akong walang time para sa aking family. Then, ni-replayan ko ang kanyang text, sabi ko hindi ako makakapunta dahil tinatamad ako at wala na akong time para sa aking pamilya. Nagalit na sya.  sa sobrang inis ko na rin, nasabayan ko ang kanyang galit dahil medyo badtrip din ako dahil marami akong pinoproblema. Nung nagsimula na yung galit naming dalawa marami na kaming nasabing masasakit tungkol sa isa’t isa.

After that, dumating si December 30, 2008 nagreunion na sila, hindi ako nakapunta sa reunion dahil nag-away kami. Ang huling text niya sa akin ay humihingi sya ng favor na huwag ko na daw syang itetext dahil sawang sawa na daw sya sa aking mga drama.  Nung nabasa ko yun, nilabasan ako ng malamig na pawis. Parang gumuho mundo ko nung sinabi niya iyon. Yung mga araw na iyon, nagsisisi na ako sa aking nagawa at nasabi sa kanya. Humingi ako ng tawad sa kanya nung huling text niya pero, mainit pa rin ang kanyang ulo sa akin.

Pinalipas ko ang mga araw at buwan hanggang sa hindi pa rin kami nagkakausap. Nabalitaan ko na lang na naging bf nya yung dati kong karibal sa kanya sa panliligaw. (Hindi ko na kailangan i-mention yung name)…Noong high school kami may gusto na ako sa kanya (alam kong mahirap umibig sa best friend mo, pero sya ang pinipintig ng puso ko hanggang ngayon). Mas nalungkot ako nung nalaman kong naging sila nung karibal ko (first boyfriend na yun) …

Tuwing gabi umiiyak na ako dahil sa kanya. Ayokong mawala friendship namin, at mahal na mahal ko din sya. Kahit ang alam lang nya na magkaibigan lang talaga kami at hanggang doon lang. Feeling ko girl friend ko sya dahil sya lang ang tanging babaeng binibigyan na kung anu-ano pag may okasyon (i mean yung laging binibigyan). Minsan nagseselos ako pag may pinagtatapat sya na may crush sya kay ganito at kay ganun. Nagseselos ako pagkinukwento nya na kumain daw sila ni ganito sa labas. Pero sinasabi ko na lang sa sarili ko na darating ang araw na kakain din tayo sa labas at magkakaroon ng mahabang time sa isa’t isa. Niyaya ko na ring syang kumain sa labas pero wala sya sa mood nung araw na iyon.

Turing nya sa aking best friend pero turing ko sa kanya hati sa dalawa: Best Friend at Girl Friend (girlfriend: pagnalaman niya guho na mundo ko). Kaya hanggang dun na lang ako. (Torpe ako…inaamin ko).

Dumating ang birthday niya… Meron akong regalo para sa kanya para sa mahalagang araw na iyon ng buhay nya. Nung araw na iyon itetext ko sya at babatiin, pero wala akong load, wala akong pera, at nagdadalawang isip ako kung babatiin ko sya dahil baka mag-away lang kami ulit. Pinalipas ko pa ang isang araw at yung araw na iyon nagkapera ako at nagload agad. Sya ang aking unang tinext at binati ng “Belated Happy Birthday”. Nagreplay sya… “Tnx” Pahiwatig na wala na syang galit sa akin. Tinext ko sya ulit at nag-sorry ako sa aking mga nasabi. Napatawad niya rin ako. Kinalimutan nya lahat ng iyon. Kinamusta ko sya kung kamusta na sila ng bf nya. Reply nya kalimutan ko na lang daw yun. Ramdam kong may problema na sya sa Boyfriend na. Gusto nya pumunta ako sa kanila nung araw ding iyon at agad – agad akong umo-o… sabi ko sa sarili ko hindi ko na palalagpasin ang araw na ito para magkaroon ng time para sa kanya. Dinala ko ang ireregalo ko sa kanya, isang teddy bear na binili ko sa SM sa Bear Cuddler. Habang papunta ako pinapatugtog ko sa aking cellphone ang kanta ng Silent Sanctuary na Rebound. Yung kantang yun ay paborito nya at yun rin ang pinadownload nya sa akin.

Nung nakarating na ako sa kanila. Nagkatinginan kami at ngumiti na sya sa akin. Nagsorry ako ng harapan at binati sya. Pinapasok nya ako at pinaupo at binigay ko na ang regalo ko sa kanya. Tinanong ko sya kung ano ang kanyang problema, iniinsist nya na wala, pero napapaluha na ang kanyang mga mata. Pinilit ko ng pinilit hanggang sa umiyak na at pinahiram ko ang aking panyo sa kanya. Pinagtapat niya na wala na sila nung unang Boyfriend nya. Siya ang unang nakipagbreak, dahil daw wala ng time ang Boyfriend nya sa kanya. Siya na mismo gumagawa ng paraan para makipaghiwalay sa Boyfriend niya. Nalungkot ako para sa kanya, pero pinalakas ko ang kanyang loob. Pinatawa muli sya para maibalik ang kanyang ngiti sa kanyang mukha.

Feeling ko ni-rebound ko sya at ni-rebound niya rin ako. Naibalik namin ang friendship namin, kasi syang naman dahil almost 12 years na kaming magbest friend mawawala lang dahil sa isang hindi pagkakaintindihan.

Yung teddy bear na binigay ko pinangalanan niyang “Bruno”. ang teddy bear na iyon ay may friendster pa!…astig nga ee…Bilang kapalit binigyan niya ako ng Grad Pic nya. Yung picture na iyon nasa Wallet ko. Yung lang ang picture na andun wala ng iba…

Happy ending ang nangyari at ayoko ng mag-away muli kami, mahirap sa gabi hindi ako makatulog dahil iniisip ko sya kung anung nangyari sa kanya.

Ganon ko sya kamahal kahit bestfriend tingin niya sa akin.

4 responses to this post.

  1. sheeeettt!!! nakapako mga mata ko habang binabasa ko toooo!!! relate ako sa story mo although indi GF. damang dama ko ang story mo.

    one thing though, di mo naman sinabi sa ending kong sinambulat mo na. wag ka nang magpakatorpe baka mamaya eh maharbat uli yan nang iba.

    kung ako seyo hmmm… ahhh… wag na lang hehehe

    pero it’s good na nagkabalikan kayo. typically yang mga lecheng away na yan ang mga instances that will bring you closer to each other

    Reply

    • Posted by bloggero21 on March 11, 2009 at 1:49 AM

      hahaha,,…ou nga..nahihirapan na nga ako sa kanya..I don’t know kung bigla ko na lang patayin ang pagmamahal ko sa kanya or ituloy ko at mag-intay kung meron o wala…

      Ilang beses na rin kami nag-away, sa 12 years na magbest friend kami ee halos lahat pinag-awayan namin pero naging matatag kami dahil sa ganun. Kagabi (March 10, 2009) nasa kanila ko… tinext nya ako sabi niya hiramin daw nya bag ko..(nagustuhan nya kasi bag ko binili ko yun sa SM sa Heart Strings, maganda kasi yung kulay at itsura) then ako naman dali daling pumunta sa kanila para ipahiram yung bag ee tamang tama dala ko.

      partida galing pa akong pag-aaplay ng trabaho so hagard ako nun, nagdrop by lang ako sa skul at nagpahinga then pumunta na sa kanila…. pagkadating ko edi gabi na iyon, pinakain nya ako at tinawag nya iyong “DATE”…

      hehehehe…thanks for the comment! Peace! :)

      Reply

  2. “DATE”?! so meaning wala na akong pag-asa?! WAAAAA!!!!!!!

    kaya lang siguraduhin mo kung “date” nga yon, baka naman gutom lang at naghahanap nang kasama hahahahaha

    Reply

    • Posted by bloggero21 on March 11, 2009 at 6:57 AM

      ..hahah try nyo pong i-read yung latest blog ko..”Death March: Sakripisyo para sa kanya!”…Andun po lahat ng detalye….

      whahahaha! Peace! :)

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.